chocolate_07 wrote:
gusto ko po rin tanungin kung bkit wala ang ating watawat sa itaas?
sana ay magkaroon na para talagang maipagmalaki natin
Mabuhay! Haha, bakit kaya pag purong Tagalog na ang usapan, nakakatawa basahin at bigkasin ng malakas. Siguro kasi sanay tayo sa Taglish at pag purong Tagalog ang gamit natin parang nasa Filipino class tayo nung haiskul.
Anyway (paumanhin, hindi ko alam i-Tagalog sa ngayon ang salitang yan, dumudugo na ilong ko), tungkol sa mga watawat sa itaas, yan din ang palaisipan sa akin. Bakit kaya wala ang ating watawat? Paliwanag sa akin ni maize, ang mga watawat daw na naka-display ay nagsisimbulo ng mga lengguwaheng pwedeng i-translate ang site na ito. Tama ba ako maize?
Kaya ba wala ang sa Pilipinas dahil hindi na kailangan i-translate pa sa Tagalog ang site dahil tayong mga Pilipino ay nakakaintindi naman ng Ingles?
Haayy...siya, hanggang dito na lamang muna mga kaibigan kasi kailangan ko nang punasan ang ilong ko, nagdurugo na talaga.
p.s. Meron ba sa atin dito ang Ilokano? Ako kasi ay tubong Cagayan kaya marunong akong mag-Ilokano.