Magandang umaga aking mga kapatid.
Habang nagmamasid masid sa paligid.
Naisipan kong dumaan dito upang makapagbigay ng aking munting komento.
At makipag kilala na rin sa iba pang miyembro ng ating komunidad.
Ako'y nagagalak sapagkat nagkaroon tayo isang pahina para sa kapwa pilipinong katulad ko.
Ginagamit ko rin ang pagkakataong ito upang magpasalamat.
Taus puso akong nagpapasalamat sapagkat nagkaroon ako ng pagkakataon upang makilala kayong lahat.
Humihingi ako ng paumanhin kung masyadong napaka lalim ng aking mga pananalita.
Maraming salamat sa inyong pang unawa.